Ibong Nakikipugad
Mula sa himpapawid natatanaw ko
Ang aking malawak na pinupugaran.
Luntiang kulay ang syang nangingibabaw
Hindi kayang sukatin ng aking tanaw.
Sa pagdapo sa isang puno
Mula sa paglipad paroo't parito.
Huni ko na musika sa inyo
Lagi nyong naririnig kahit sa malayo.
Pakpak ko ay mapapagod din,
Sa paglipad-lipad ako'y hihimlay rin.
Sana'y may madapoan pa
Yan ang aking munting hiling.
Hindi ko pag-aari ang kalupaan
Lalo na rin ang kalangitan
Ako'y hamak na ibon lamang
Nakikipugad sa inyong malawak na tirahan.
Comments